^

Metro

Ilang barangay sa Caloocan, Malabon, QC at Maynila mawawalan ng tubig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inabisuhan ng Maynilad Water Services ang publiko sa ilang barangay sa Metro Manila na mag-umpisa nang mag-imbak ng tubig dahil sa napipintong pagkaantala ng serbisyo sa darating na linggo.

 Sa abiso ng Maynilad, pansamantalang tatanggalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Quezon City at Maynila mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3 upang bigyan daan ang ipatutupad na “maintenance activities” ng kumpanya sa kanilang mga linya. 

Pansamantalang mawawala ng supply ng tubig ang mga barangay 64, 73, 74 at 176 mula alas-11:30 ng gabi ng Hunyo 27 hanggang alas-3 ng madaling araw ng Hunyo 28 habang ang mga barangay 65, 66, 69, 73, 74, at 75 mula alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 hanggang alas-2 ng madaling araw ng Hunyo 30 pawang sakop ng  Caloocan.

Sa Malabon, mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 hanggang alas-2 ng madaling araw ng Hunyo 28 sa Barangay Longos.  Apektado rin nito ang mga barangay North Fairview (Fairmont Park Subd. at Fairville Homes Subd.) at Batasan Hills (Northview II Subd.) mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hunyo 28. 

Alas-10 ng gabi ng Hunyo 28 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hunyo 29 sa Barangay Bahay Toro, Talayan at Sto. Domingo sa Quezon City.  Apektado rin ang mga barangay Paltok, San Antonio at Apolonio Samson mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 3.

 Sa Maynila, walang tubig mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Hunyo 28 sa Barangay 590, 610, 611, 619, at 621.  Sa Hunyo 30, mawawalan ng tubig mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga barangay 315, 316, 317, 318, 319, 320, 321, 322, 323, 324, at 325.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with