^

Metro

Brgy. chairman, kagawad utas sa tandem

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang barangay chairman at isang barangay kagawad nang pagbabarilin ang mga ito ng riding-in-tandem sa magkahiwalay na insidente sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital si Brgy. chairman Alberto Arguilles, 49, ng Brgy. 4, Zone 2 ng natu-rang lungsod sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa  hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Samantala, DOA rin sa Pasay City General Hospital (PCGH) si Brgy. kagawad Moises Aniviado, ng Brgy 61, Zone 8, sanhi ng tinamong  tama sa dibdib buhat sa kalibre .45 baril.

Ayon sa report na natanggap ni Supt. Jenny Tecson, chief ng Public Information Office (PIO) at tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), alas-7:25 ng gabi nang pagbabarilin si Arguilles habang nakatayo sa panulukan ng E. Rodriguez at Tan Kian Sts., ng nasabing barangay.

Matapos isagawa ang pamamaril kay Arguilles ay kaagad na tumakas ang suspect at umangkas  ito sa isang motorsiklo  na walang plaka.

Alas-9:30 ng gabi, binaril naman si Aniviado habang nakikipag-inuman sa harapan ng kanyang bahay  ng isa rin sa dalawang suspect na lulan ng motorsiklo

Kabilang sa anggulong sinisiyat pulisya ay kung may kaugnayan ito sa papalapit na barangay election.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with