^

Metro

3 presidentiables inendorso si Peña

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inendorso ng tatlong pre­sidential candidates si Makati City Romulo “Kid” Peña Jr. bilang kanilang opisyal na kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod.

Si Peña ang inendorso nina dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas; Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senadora Grace Poe sa pagka-mayor sa lungsod.

Nabatid na ang ‘Tapang at Malasakit’ ni Duterte, na tumatakbo sa ilalim ng PDP-Laban at  “Gobyernong may Puso” ni Poe, na tumatakbo naman sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay nakapaloob sa “10 points agenda ni Peña.

Dahil ang alkalde ay tu-matakbo sa ilalim ng Libe­ral Party (LP), nauna na itong inen­dorso ni Roxas bilang kanyang opisyal na “mayoralty bet” sa lungsod ng Makati, kung saan ang “Daang Matuwid” nito ay nakapaloob din sa plataporma ni Peña, na ang adbokasiya ay para “transparent at good governance”.

Sa kabila nito  ay nanatili ang suporta ni Peña kay Roxas, maging ang mga programa nito. 

Si Peña ay inendorso rin ng mga parishioner organi-zations, dahil naniniwala sila na ang naturang alkalde  ani­ya ang pinaka-sinsero sa lahat ng kandidato sa lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with