^

Metro

Forum daw ‘yon at hindi debate ‘Serbisyo publiko ang dahilan ko’ -- Peña

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tawag ng tungkulin at serbisyo ang dahilan kung bakit hindi nakara­ting si Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña Jr. sa ikinasang forum ng Rotary Club of Makati Business District kamakailan.

Ito ang reaksiyon kahapon  ni Peña hinggil sa  pinalalabas ng kanyang katunggali sa politika, na sinadya umanong lumiban nito upang umiwas sa sinasabi nilang ‘debate’, na sa katotohanan ay  isa pala itong  forum.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Peña bilang tugon sa tila pagpapalaki ng isyu ng kanyang katunggali gayong naiintindihan naman ito ng mga nag-organisa dahil sa napakarami niyang tungkulin bilang alkalde ng lungsod. Na sa katunayan, kasabay ng oras ng forum ay ang pakikipagharap nito sa ilang investors na nais mamuhunan at makatulong sa mga residente ng Makati.

 “I am saddened that Congresswoman Binay had to resort to such petty strategy to discredit my administration. I emphasize that transparency and free flow of information must be the brand of go­vernance that i implement.  I am very much willing to attend debates and any forum if these would inform our constituents of where Makati is heading, and what are my plans and programs that would uplift their lives of the people, and encourage investments in the city,” paliwanag pa ng alkalde.

“Wala pong itinatago ang inyong lingkod. At wala tayong inaatrasang anumang hamon sa ating panunungkulan. Bukas na aklat po ang ating pla­taporma na nakasandig sa ‘Transparency and Good Governance’. Sa katuna­yan, humarap ako, kasama pa ang isang kandidato sa programang ‘Bawal ang Pasaway’ na napanood hindi lamang ng taga-Makati kundi ng buong bansa. Si Congw. Binay nga ay nabigong humarap doon, pero kahit minsan ay hindi natin siya pinulaan”, dagdag pa ni Peña.

Matatandaan, na no­ong nakalipas na forum sa San Ildefonso Parish sa Barangay Pio del Pilar, ikinatuwa ni Peña ang mainit na pagtanggap ng mga nagsidalo sa kanyang mga inilahad na plataporma. Kung saan ikinagulat rin nito, na maging ang bitbit na tao ni Binay ay pinalakpakan ang kanyang mga inihaing prog­rama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with