^

Metro

Bus nagloko 2 katao patay, 11 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang pa­tay kabilang ang isang babaeng limang buwang buntis habang 11 pa ang sugatan makaraang ara-ruhin ng bus kahapon ng   umaga sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng umaga. 

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Marlon Meman, commander ng Quezon City Police Traffic Sector 2, nakilala ang mga nasawi na sina John Michael Mallari, 23, binata ng San Fer-nando Pampanga; at ang limang buwang buntis na si Kristine Joy San Felipe, 32 ng Jordan Plaines, Brgy. Sta. Monica Novaliches sa lungsod.

Dead-on-the-spot si Mallari habang dead-on- arrival naman si San Felipe sa Commonwealth General  Hospital. Ginagamot din sa nasabing ospital ang iba pang mga sugatan na sina Rose Ann Frag, 21, Dina Tamayo, 36, Mary Joy dela Cruz,  23, Helen Balrez, 46, Allan Valdez, 42, Joanna Lorraine Niegas, 24, Kimberly Cipriano, 21, Erick Cipriano, 28, Jenalyn Abu-yog, 31 Marribeth Sargil,  23 at Dennis Cruz, 19.

Nasa kustodiya naman ng QCPD-TS2 si Mark Joey Isidera, 25, ng Phase 2, Package 3, Bagong Silang Caloocan City na driver  ng A. Prado Transit bus (UVT-265).

Nadamay din sa aksidente ang isang UV express Nissan Urban (UVR-695) na nayupi at tindahan ng buko na nawasak matapos araruhin ng nasabing bus.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rabindranath Sierra, nangyari ang aksidente sa may intersection ng Mindanao Avenue Extension at Don Mariano Marcos Ave., Brgy. Sta. Monica Novaliches, ganap na alas 6:45 ng umaga.

Bago ito, ayon kay Sier­ra, kapwa binabaybay ng bus at UV express van ang kahabaan Mindanao Ave. galing ng SM Fairview at papaliko na papuntang Commonwealth Ave. nang pagsapit ng interseksyon ng Don Mariano Marcos Ave., Brgy. Sta Monica,  Novaliches ay sinalpok ng una ang huli.

Sa lakas ng impact, sumadsad ang van pakanan sa kanang kalye kasama ang bus hanggang sa su-yurin nito ang mga biktima na naghihintay naman sa lugar ng masasakyan, at ang tindahan ng buko.

Ayon kay Meman, sa-sampahan nila ng kasong reckless imprudence resulting in damage to pro-perty with serious physical injuries with homicide ang driver ng bus na si Isidera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with