^

Metro

10 dawit sa droga, arestado

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampu katao na pawang sangkot sa ilegal na droga ang nadakip sa magkahiwalay na ‘One Time Big Time Operation’ sa Pasay at Valenzuela City,  kamakalawa.

Kinilala ni Senior  Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police ang mga suspek na nadakip sa lungsod na  sina Olga Roncesvalles, 56, biyuda,  at  Rolando Narga, alias Bagets , 49.

Nadakip ang mga suspek, alas-3:30 ng hapon sa bahay ni Roncesvalles sa naturang lugar at nakumpiska sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng shabu.

Samantala, nadakip naman ang  walong katao  habang sumisinghot ng shabu sa isang bahay na ginagawang drug den sa  A. Marcelo St., Brgy. Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon kay Chief Inspector Allan Ruba, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG), Valenzuela City Police nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ginagawa umanong drug den ang inuupahang bahay ni Lopez sa naturang lugar.

Alas-9:30 ng gabi nang arestuhin ng mga pulis ang walong suspek habang naaktuhang sumisinghot ang mga ito ng shabu.

Ang mga nadakip ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) sa Pasay at Valenzuela City Prosecutors Office.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with