^

Metro

156 metro ng riles ng MRT-3, napalitan na

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May kabuuang 156 metrong riles ng Metro Rail Transit (MRT) ang napalitan na nitong Sabado at Linggo matapos magpatupad ng ‘shortened operating hours’ o pinaikling biyahe ang pamunuan ng MRT-3.

Ayon kay MRT general manager Roman Buenafe, matatagalan pa ang gagawin nilang pagpapaikli ng operasyon ng MRT-3 tuwing weekend upang matapos ang pagpapalit sa mga kritikal na bahagi ng kanilang riles.

“Kailangang i-replace, 6,000 meters. Ang napalitan noong weekend, 156 meters pa lang. Malayo pa ho, meron pa,” ani Buenafe.

Tiniyak ni Buenafe na gumagawa sila ng paraan upang mapabilis ang pagtatapos ng proyekto upang hindi maistorbo ang kanilang mga commuters.

Aniya, magdaraos sila ng mga pulong sa mga concerned party upang tukuyin kung itutuloy ang shortened weekend operating hours o kung maaaring gawin ang rail replacement tuwing off hours.

Nitong weekend ay pinaikli ang operating time ng MRT-3 kung kailan maaga silang nagsara noong Sabado, na hanggang alas-9:00 lamang ng gabi sa halip na alas-10:30, at alas-12:00 lamang ng tanghali nagbukas nitong Linggo.

Aminado naman si Buenafe na mas makabubuti kung lahat ng railroad tracks nila ay mapapalitan upang magkapantay-pantay ang mga ito.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Samantala, iginiit naman kahapon ng workers group na Riles Network sa pamahalaan na ibalik sa dating halaga ang pasahe sa MRT.

Ito ayon kay Sammy Malunes, spokesman ng Riles Network ay dahil wala naman anyang nabago sa serbisyo at mga pasilidad sa bawat istasyon ng MRT tulad ng lumang mga riles ng tren, sirang elevator at escalator at mababahong comfort room.

Anya, dapat isaalang-alang ni DOTC Secretary Jun Abaya ang kaligtasan at pagpapahusay sa serbisyo sa mga mananakay ng MRT dahil nagtaas na ito ng singil sa pasahe.

Inireklamo rin ni Malunes ang pagkakaroon ng palagiang temporary shutdown ng MRT tuwing araw ng Sabado at Linggo na nagdudulot ng malaking epekto o perwisyo sa mga mananakay.

vuukle comment

BUENAFE

LINGGO

METRO RAIL TRANSIT

MRT

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

RILES NETWORK

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with