^

Metro

Mag-ina dinos-por-dos, utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagpapaluin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 145, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-ina na sina Raida Paino, 22; at Victoria Paino, 2, kapwa nakatira sa Block 3 Lot 18, Maho­gany Street, Zone 16 sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Joey Gofort, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, magkatabing natutulog ang mag-ina sa kanilang bahay nang pasukin ng di-kilalang lalaki saka isinagawa ang pamamaslang.

Nadiskubre ang krimen matapos dumating ang ina ni Raida na si Binolowan Paino kaya naipaabot sa pulisya ang naganap na pamamaslang.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang dos-por-dos na ginamit sa krimen. 

 

vuukle comment

BINOLOWAN PAINO

CHIEF INSP

JOEY GOFORT

KAMATAYAN

PASAY CITY

RAIDA PAINO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

VICTORIA PAINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with