PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 katiwala tiklo sa nakawan

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong katiwala matapos madakma ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa piggery na pag-aari ng kanilang among hukom sa Barangay Tartaro sa bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal naman kinasuhan ang mga suspek na sina Levi Calle, 34; Erick Estoconin, 26; at si Alejandro Sevilla, 40, pawang nakatira sa Brgy. Malasipit. Si Sevillana sinasabing nang-agaw ng baril sa umaarestong pulis ay nasugatan matapos tamaan ng bala sa hita. Base sa imbestigasyon ni P/Supt. Marcos Rivero, ang tatlo ay sinasabing mga katiwala ni Judge Francis M. Beley na may-ari ng piggery na ninakawan ng mga suspek. Narekober sa mga suspek ang kilu-kilong karne ng baboy na nagmula sa nasabing piggery. Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspek matapos makita sa cctv camera ang pagnanakaw ng tatlo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: