^

Probinsiya

Nursing student binoga sa ulo, dedo

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - –  Sinalubong ni kamatayan ang 33-anyos na nursing student matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Tambo sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Pamela Alcantara Tablizo ng Vista Verde, Cainta, Rizal at nursing student sa Lipa City Colleges.

Sa ulat ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, patungong eskuwelahan si Tablizo sakay ng  pampasaherong jeepney nang lapitan at ratratin ng  armadong lalaki bandang alas-8:15 ng umaga.

Si Tablizo na nakaupo sa harapang bahagi ng jeepney ay duguang bumulagta matapos mapuruhan ng dalawang bala sa ulo.

Isinugod pa sa Mary Mediatrix Hospital pero idineklarang patay ng mga doktor sa emergency room.

Sa nakalap na impormas­yon ng Lipa PNP, si Tablizo ay may dalawang anak na nasa bayan ng Cainta, Rizal habang nasa NewYork City, USA naman ang asawa nito.

Umuupa ng apartment si Tablizo sa Baseview Homes sa Barangay Banay-Banay, Lipa City habang nag-aaral.

Samantala, wala pang malinaw na motibo sa naganap na pamamaslang habang sinusuri naman ang mga text messages na nakuha sa cell phone ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY BANAY-BANAY

BARANGAY TAMBO

BASEVIEW HOMES

CAINTA

JACINTO MALINAO

LIPA CITY

LIPA CITY COLLEGES

MARY MEDIATRIX HOSPITAL

PAMELA ALCANTARA TABLIZO

RIZAL

TABLIZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with