^

Police Metro

Preso nakapuga: 7 jail guards sinibak

Pang-masa
Preso nakapuga: 7 jail guards sinibak

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ng Quezon City Jail ang 7 jail guards nito matapos matakasan ng isang preso kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga sinibak ay sina Senior Inspector David Jambalos, SJO1 Dominador Zacarias, JO2 Antonio Ravago, JO1 Verdion Sayson, JO1 Ronnie Abugadie, JO1 Jhomer Balila, at SJO4 Remegino Mina.

Ayon kay QC jail warden Ermelito Moral, ang pagsibak sa puwesto ng pitong jailguards ay bilang pagbibigay-daan sa im­bestigasyon sa insidente ng pagtakas ng isang preso na kinilalang si JR Mana­nquil, 18, binata, na may kasong carnapping at illegal possession of firearms.

Ayon kay Sr. Insp. Xavier Soldasa, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagpuga ni Mananquil ay natuklasan dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sinasabing umakyat si Mananquil sa paikot na hagdan at dumaan sa pader na tila ‘spider man’ hanggang sa malayang makatakas na hindi namamalayan ng mga jail guard.

Base sa rekord ng BJMP, si Mananquil ay naipasok sa Quezon City Jail noong December 7 lamang.

Sa ngayon ay ipinag-utos na ni  BJMP Metro Manila director Chief Superintendent Dennis Rocamora ang malawakang pagtugis kay Mananquil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with