^

Police Metro

Mga ipinatapon dahil sa droga... Metro Manila cops sa Mindanao, nag-AWOL

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsipag-AWOL (absent without official leave) umano ang mahigit 200 pulis galing Metro Manila na ipinatapon sa Minda­nao kaugnay nang pagkasabit sa droga sa takot na sila ang isunod na patayin nang mapatay sa ambush ang ilan nilang kasama.

Sa inisyal na tala, kabilang 29 pulis mula sa Quezon City Police District  ang nagsipag-AWOL matapos na da­lawa sa kanilang mga kasamahan ang inambus sa  Maguindanao.

Noong unang bahagi ng buwang kasalukuyan, tinambangan ng  hindi pa nakilalang mga armadong salarin sina SPO4 Marcelo Villagracia  at  PO3 Rolando Yulo habang naglalakad patungo sa kanilang inuupahang bahay sa Parang, Maguindanao na kung saan ay pinagbabaril ang mga ito na agad ikinasawi ng una habang kritikal ang huli.

Sina Villagracia at Yulo ay kabilang sa mahigit 200 pulis sa Metro Manila na ipinatapon ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) kaugnay ng pagkakasangkot sa droga.

Una nang pinaslang ang dalawa ring pulis NCRPO na kabilang din sa mga ipinatapon sa ARMM.

Kinantiyawan naman ni dela Rosa ang mga natatakot umanong pulis na galing Metro Manila gayung  hindi natakot na masangkot sa illegal na droga kaya’t kailangang harapin ng mga ito ang kanilang kaparusahan.

“Bakit sila matakot, huwag na sila magpulis kung matakot sila ng mamamatay. Hindi nga sila natakot na magbenta ng droga matakot pa
sila mamatay doon, sabihin ninyo sa kanila bakit kayo matakot”, ani Dela Rosa.

Binalaan din nito ang mga nagsipag-AWOL na isasalang sa summary dismissal kapag hindi nakapagbigay ng maganda at katanggap-tanggap na dahilan sa pagliban sa trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with