^

Police Metro

P1.3-T naging bayarin ng Aquino government dapat ipaliwanag

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dapat anyang ipaliwanag ng Aquino administration kung saan napunta ang P1.3 trilyong bayarin ng gobyerno at dapat itong maisapubliko bago man lang bumaba sa puwesto sa katapusan ng Hunyo.

Pinunan ng Balikatan People’s Alliance na mula nang madiskubre ng Commission on Audit (COA) ang naturang bayarin noong 2013,wala pang nababalitang detal­yadong kuwenta ng kinapuntahan ng P1.3 trilyon.

Ayon kay Balikatan spokesman Boy Antiporda na salapi ng taumbayan ang gagamitin sa P1.3 trilyon na bayarin kaya’t karapatan ng sambayanan na malaman  ang lahat ng detalye tungkol dito.

Idinagdag pa ni Antiporda, ang hindi pagbubunyag ng naturang bayarin ay hindi naaayon sa Section 7, Article III, ng Konstitusyon na nagsasaad ng pagkilala ng taumbayan sa “right of the people to information on matters of public concern,” including “access to official records…or documents pertaining to official acts, transactions or decisions.”

“Ang Section 28, Article II naman ng Konstitusyon, dapat na maging polisiya ng pamahalaan ang “full public disclosure of all its transactions involving public interest.”

“Ayon sa COA, ang idineklara lamang ng gobyerno na mga bayarin o magiging bayarin ay P470.81 bilyon lamang, subalit nadiskubre ng COA na bukod doon, may mga inako ring umanong obligasyon ang pamahalaang Aquino sa mga build-operate-transfer projects sa ilalim ng public-private sector partnership (PPP) na umabot ng P920.284 bilyon.

May mga garantiya ring inaprubahan ang Republic of the Philippines at Development Bank of the Philippines na umabot ng P32.3 bilyon. ayon sa COA report,” puna ni Antiporda.

Hanggang walang inilalahad na kumpleto at detalyadong ulat ang pamahalaan,pinuna ng Balikatan na walang katiyakan ang sambayanan  na walang naging anomalya sa mga transaksyong napapaloob ng P1.3 trilyong bayarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with