^

PM Sports

16-0 ng Golden State best start ever sa NBA

Pang-masa

OAKLAND, California – Habang nagpapa-galing ang kanilang coach na si Steve Kerr dahil sa dalawang operasyon sa kanyang likod, tuluyan namang ipinoste ng defending champion Golden State Warriors ang record para sa best start sa NBA history.

Ito ay matapos tumipa si Stephen Curry ng 24 points at 9 assists sa 111-77 paglampaso ng Warriors sa Los Angeles Lakers para ilista ang pinakamagandang pa-nimula sa 16-0 kartada.

Inungusan ng Warriors ang 15-0 starts ng Washington Capitols noong 1948-49 at ng Houston Rockets noong 1993-94.

Tumapos si Draymond Green na may 18 points, 7 rebounds at 5 assists para sa pagpapalawig ng Warriors sa kanilang franchise-record home winning streak sa 27 games.

Si interim Luke Walton, nakakuha ng dalawang NBA title habang naglalaro para sa Lakers, ang kasalukuyang gumigiya sa Warriors.

Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 11 points para sa Warriors na kinuha ang 27-9 bentahe sa 1:41 minuto sa opening period.

Tumapos si Lakers’ superstar Kobe Bryant na may 1-of-14 fieldgoal shooting para sa kanyang 4 points na pinakamasamang performance nito sa kanyang buong NBA career.

Nahulog ang Lakers sa 2-12 na siyang second-worst record sa NBA.

Sa Washington, umiskor si Indiana forward Paul George ng season-high na 40 points tampok ang pitong three-pointers, bahagi ng franchise-record na 19 ng Pacers, para sa kanilang 123-106 paggiba sa Wizards.

Nagdagdag si C.J. Miles ng 32 points para sa pang siyam na panalo ng Indiana sa huling 11 games matapos ang 0-3 start.

“We always get overlooked,” sabi ni George. “We’re still getting used to the system, but now we’re flowing.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

HOUSTON ROCKETS

KLAY THOMPSON

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

LUKE WALTON

PARA

PAUL GEORGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with