^

Para Malibang

Misteryosong ingay sa Cuba nagdulot ng brain trauma

MRYOSO - Pang-masa

Isang misteryosong ingay ang narinig sa U.S. Embassy sa Cuba ang nag-iwan ng injury sa mga taong naka­rinig nito. Misteryoso dahil nagkaroon ng brain trauma, pagkabingi, at nerve damage ang hindi bababa sa 22 U.S. diplomats at kanilang kaanak.

Marami ang nai-report na nakarinig sa misteryosong ingay na ito na ikinukumpara sa ingay na gawa ng libu-libong kuliglig. May iba naman na nagsabing parang sigaw ito na matinis. Para naman daw maraming pako na kinikiskis sa chalkboard ang deskripsyon ng iba.

Maririnig sa YouTube ang nasabing misteryosong ingay na halos 20 magkakaibang frequency umano ang naka-embed dito. Ang nasabing sound ay nasa pagitan ng 7,000 at 8,000 kHz sa audio scale.

Pinabulaanan naman ng mga eksperto na isang weapon ang narinig na ingay. Kung sonic weapon daw umano kasi ito ay hindi ganun kalala ang naging epekto sa mga taong nakarinig.

“Brain damage and concussions, it’s not possible,” ani Joseph Pompei, isang former MIT researcher and psychoacoustics expert. “Somebody would have to submerge their head into a pool lined with very powerful ultrasound transducers,” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking misteryo ang nasabing narinig na tunog. Isa nga kaya itong sonic weapon o kagagawan ng mga extra-terrestrial na nila­lang?

Kayo na ang humusga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with