^

Pang Movies

Singer-actress ?kinukuto kaya ??nagpaiksi ng buhok

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Knows ko na kung bakit nagpagupit nang maigsi ang isang singer-actress. Dating mahaba ang buhok ng singer-actress pero nakaramdam siya ng matinding pangangati ng ulo kaya ang magpaiksi ng buhok ang solusyon na naisip niya.

Hindi na nagrereklamo nang pangangati ng ulo ang singer-actress. Malamang na na-cure na ang problema niya sa pangangati ng ulo.

Pia babalik  na naman sa ‘Pinas

Confirmed na babalik sa Pilipinas sa Miss Universe Pia Wurt­zbach sa linggong ito para sa isang event ng PLDT Home.

Malapit sa puso ni Pia ang PLDT Home dahil kinuha siya na ambassador, kahit hindi pa niya napapanalunan ang Miss Universe 2015 crown.

Sa mga interbyu sa kanya, hindi nakakalimutan ni Pia na pasalamatan ang PLDT Home dahil sa pagtitiwala sa kanya bilang ambassador.

Dapat tularan, Kristine? kinarir ang pagiging ina at asawa!

Nakakabilib talaga si Kristine Hermosa dahil hands on mother siya. Talagang basta para sa kanyang asawa na si Oyo Sotto at sa kanilang mga anak, may panahon si Kristine na dapat tularan ng ibang mga nanay na artista na pasosyal at walang panahon para sa kanilang pamilya.

Masuwerte si Oyo sa pagkakaroon ng misis na kagaya ni Kristine at lucky rin ito dahil very responsible at loving ang mister niya.

Lengguwahe sa Encantadia, kabisado na ng mga bagets

Happy ang GMA-7 dahil bonggang-bongga na ang ra­tings ng Encantadia at positive ang mga feedback na natatanggap nila.

Imagine, pati ang mga maliliit na bata, pinapanood na ang mga Encantadia at memoryado nila ang lengguwahe ng mga diwata.

Tama ang desisyon ng Kapuso Network na ilagay ang Encantadia sa early primetime slot dahil napapanood pa ng mga bagets na estudyante ang na­ngu­ngunang telefantasya ng bansa.

Komedyanteng si Joey Paras may sakit sa puso

Iniisip pala ng gay comedian na si Joey Paras na magpahinga sa showbiz dahil sa heart ailment niya.

May mga umaawat  kay Joey dahil sayang naman ang mga nasimulan niya at maraming bading ang nangangarap na maranasan din ang kanyang mga narating sa showbiz.

Ito ngayon ang dilemma ng isa sa mga star ng Working Beks dahil importante sa kanya ang kalusugan niya. Aanhin nga naman niya ang datung kung may sakit siya?

Ang gumaling na ang karamdaman niya ang ipinagda­rasal  ni Joey na isa sa mga protégée ng direktor na si Wenn Deramas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with