Thomas lalaro sa Game 2
WALTHAM, Massachusetts — Sa anumang sport, ang tanging bagay na hindi mapaghahandaan ng isang koponan ay ang hindi inaasahang pangyayari.
Noong nakaraang linggo ay ipinagdiwang ang pamumuno ng Boston Celtics sa East matapos ungusan ang Cleveland Cavaliers para sa top seed at home-court ad-vantage.
Isang araw bago ang playoff opener ng Celtics laban sa Chicago Bulls ay namatay ang kapatid na babae ni star guard Isaiah Thomas sa isang car acci-dent.
Sa Game One ay natalo ang Boston sa Chicago, 102-106.
Sa kabila ng nangyari kay Thomas ay kumpiyansa pa rin ang Celtics na maitatabla nila ang serye sa Bulls sa Game Two.
“I think the biggest thing is they really care about each other,” sabi ni Boston head coach Brad Stevens. “It's really tough when he's sitting there and some of his family is back in Seattle.”
Plano ni Thomas na maglaro sa Game Two bago dumiretso sa Wa-shington state para samahan ang kanyang pamilya sa paghahanda sa burol ng kanyang kapatid na si Chyna Thomas.
- Latest