^

PSN Opinyon

‘Name droppers’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at lamanloob ang mga ‘name dropper’ sa DPWH.

Ang kakapal ng mukha. Hindi pa nga nakakaupo si President-elect Rody Duterte at isang buwan pa bago ang proklamasyon, andami na agad mga bubuyog.

Parang mga bangaw. Pilit lumalapit sa mabahong dumi para lang mabuhay. Mabuti naman at ibuking sila ni Highways Sec. Babe Singson. Sangkaterba na raw ang mga tumatawag at nagti-text sa kanilang ahensya.

Sa puntong ito bibigyan ko ng kredito si Singson. In all fairness to the guy, naayos niya ang DPWH sa kanyang pangangasiwa.

‘Yun nga lang hindi niya pinangalanan ang mga influence peddler. Kung tinukoy man lang sana, ngayon palang siguradong wala na silang mukha ihaharap pa sa publiko.

Nagpapakilala. Mga kaibigan daw sila ni Duterte at napipisil na uupong bagong DPWH Sec. Mark Villar.

Hindi na ito bago.  Sa tuwing magpapalit ng admi­nistrasyon marami ang naglulutangang hindi lang mga “sipsip” kundi “higop” na mga kapalmuks.

Hindi lang ito nangyayari sa DPWH. Kundi maging sa iba’t iba pang departamento lalo na ang may malalaking pondo para sa mga proyekto tulad ng DOTC at DA. Isama na rin ang Customs at BIR na talamak ang korupsyon at katiwalian.

Akala siguro ng mga name droppers na sinasabi ni Singson, uubra sa Duterte Administration ang sistema na umiral sa loob ng anim na taon ng Aquino administration.

Kaya sa iba pang mga nililigawang kalihim at gabinete ng mga ahensya sa gobyerno, kapag may mga name dropper at influence peddler pangalanan nyo agad.

‘Wag nyo lang gagayahin ang estilong shame campaign ni Mayor Tuyo sa Batangas. Hindi na kailangang iparada pa. Ipahiya agad nang mabantayan at maisuka ng tao.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

vuukle comment

ELECTION

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with