^

True Confessions

Ang Magkapatid (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PASOK ka Nesto,” sabi ni Manang Caridad. “Kararating lang nina Ipe at Ada. Dinalaw ako. Akala ko nalimutan na ako ng magkapatid na ito.’’

Pumasok si Manong Nesto at lumapit kina Ipe.

“Kumusta kayo Ipe, Ada? Ngayon na lang ulit tayo nagkita.’’

“Opo, Manong Nesto. Ngayon lang po kami napadalaw,” sabi ni Ada at nagmano kay Manong Nesto. Sumunod na nagmano si Ipe.

“Maupo ka Manong Nesto,” anyaya ni Ada.

Naupo si Manong Nesto.

Lumapit si Manang Caridad at may sinabi kay Manong Nesto.

“Sinabi ko na sa magkapatid ang relasyon natin. Mas maganda kung nalalaman nila. Hindi na naman sila iba sa atin. Ang turing ko sa magkapatid na ito ay mga anak na. Ikinuwento ko ang lahat nang nangyari sa atin at kanina ay napaiyak kami ni Ada. Nakakaiyak naman talaga ang nangyari sa atin.’’

“Mabuti nga at sinabi mo sa kanila, Caring. Di ba noon pa ay gusto ko na ngang ipagtapat sa mga ito pero ikaw ang ayaw pa. Gusto ko na ngang pakasal na tayo para naman malasap na natin ang sarap ng pagsasama.’’

“Kasi nga ay nag-aalala ako na baka tumutol ang aking anak na nasa Saudi kapag nalaman ang ating relasyon.’’

Nagtanong si Ipe nang marinig ang tungkol sa anak ni Manang Caridad.

“Bakit po siya tututol, Manang?’’

“Kasi’y baka sabihin na kung kailan kami tumanda ay saka nagkaroon ng relasyon at magpapa-kasal pa.’’

“Huwag kang matakot na ipagtapat sa anak mo ang lahat, Manang. Maiintindihan niya ang lahat. Nagtiis ka nang mahabang panahon sa piling ng una mong asawa at dapat lang na lumigaya ka ngayon. Huwag mong sikilin ang damdamin mo Manang.’’

Nagsalita si Ada, “tutulungan kita Ma­nang na magpaliwanag. Ano bang pangalan niya at ipi-friend ko siya sa FB. Ako ang kukumbinsi sa kanya. Magtiwala ka sa akin Manang.’’

“Oo nga Manang. Ipag­katiwala mo yan kay Ada,” sabi ni Ipe.

Hindi makapagsalita si Manang Caridad. Hindi makapagpasya sa pag-kakataong iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG CARIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with