^

Dr. Love

Split na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatnan ng mahigit isang taon na­ming relasyon ng boyfriend ko. Nag-split na kami.

Biyuda na po ako at nang makilala ko si Benjie ay nagbalik ang kulay ng buhay ko. Naging masayahin ako lalo na kapag magkasama kami. Akala ko ganon din siya sa akin pero nagkamali ako.

Minsan siyang nagsalita na maaaring ok ang aming sexual relationship pero hindi na raw niya makita ang excitement at hindi na siya masaya sa aming pagsasama.

Napakasakit na marinig mo ang mga ganong salita sa taong mahal mo, Dr. Love. Parang guguho ang buong buhay ko. Pero ano ang magagawa ko kung ayaw na niya sa akin.

Noong unang linggo, inisip ko na babalik din siya sa piling ko. Pero nagpakalayu-layo na pala siya at wala na akong balita tungkol sa kanya.

Ang pakiramdam ko po ay pinaglaruan lang niya ang damdamin ko. Pero mahal ko po siya sa kabila ng lahat. Nahihirapan po akong mag-move on. Payuhan po ninyo ako kung paano ko makakalimutan si Benjie.

Thank you very much and God bless you Dr. Love.

Gumagalang,

Nanette

 

Dear Nanette,

Wala kang ibang paraan sa pagmo-move on kundi ang matutunan mong tanggapin ang nangyari sa pagitan ninyo ng iyong ex-boyfriend. Hindi dapat maging katapusan ng mundo para sa’yo.

Ang relasyon ninyo ay parte lang ng buhay mo. Kaya huwag mong sayangin ang mga dara­ting pang bukas para sa’yo. Anong malay mo, isa sa mga araw na ‘yun makikilala mo ang lalaki na magagawang tumbasan ang pagmamahal at atensiyon na maibibigay mo. Cheer up!

DR. LOVE  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with