^

Dr. Love

Pangakong napako

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mabiyayang pagbati ang hatid ko po sa inyo at sa bawat sumusubaybay sa inyong kolum. Mangyaring pakitago na lang po ako sa pangalang Morning Glory, 20 years-old. Sa ngayon ay mayroon akong boyfriend. Tawagin mo na lamang siyang Jimmy.

May apat na buwan ko na siyang kasintahan at hindi ko matiyak kung binata pa siya. Mayroon po kaming sari-sari store at nagde-deliver siya ng softdrinks.

Nang ligawan niya ako ay agad ko siyang sinagot,  bagama’t marami ang napataas ng kilay dahil hindi ko naman siya kilala talaga. Tuwing weekend ay namamasyal kami. Hanggang sa duma­ting sa puntong nagpaalam siya. Uuwi na raw siya sa Leyte. Naging masakit dahil walang katiyakan kung babalikan pa niya ako. Basta ang sabi niya, kung laan kami sa isa’t isa ay bahala ang Diyos.

Kahit nangako siyang tatawagan ako o ite-text na madalas, hindi niya ito ginawa ni minsan. May dalawang buwan na ka­ming hiwalay.

Dapat pa ba akong umasa?

Morning Glory
Dear Morning Glory,

Sabi nga sa Inggles, “charge it to experience.” Kung ako ang tatanungin, wala ka nang maaasahan pa sa lalaking iyan. Travelling salesman siya na kung saan-saan nadedestino kaya kadalasan, may kapilyuhan sa ulo ang mga katulad niya.

Magsilbing leksiyon nawa ang nangyari sa iyo. Huwag ka basta-basta papatol sa lalaking hindi mo naman ganap na kilala. Marami ang napapahamak diyan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with