PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Fake ang dibdib

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang balo sa edad lamang na 40 anyos. Hindi na po ako nag-entertain ng mga nanliligaw at mga nagnanais magpakasal sa akin noong panahong iginagapang ko pa ang pag-aaral ng kaisa-isa kong anak na babae.

Pero nang makatapos na po siya, magkaroon ng sariling hanap-buhay  at magka-boyfriend, saka ko po naramdaman ang kalungkutan nang pag-iisa.

Dito ko po naisipan na magpaligaw na, kahit ako ay lampas 50-anyos na. Wala namang makakapagsabi na may edad na ako dahil malayo raw ang itsura ko sa edad ko.

Pero nakakaapekto sa pakikipagmabutihan ko sa opposite sex ang kalagayan ko. Fake na po kasi ang isa kong suso, tinanggal ito noong 30-anyos pa lang ako para hindi raw mauwi sa cancer.

May napupusuan na po ako na isa ring balo, pero hindi ko pa naipagtatapat sa kanya ang tungkol sa fake kong dibdib. Baka mawalan siya ng gana sa akin. Payuhan po ninyo ako.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maraming salamat, Dr. Love at hangad ko ang patuloy na pagtulong mo sa marami mong mambabasa na humihingi ng iyong payo.

 Gumagalang

Marietta

 

Dear Marietta,

Para sa akin ay mas dapat mong ipagtapat sa kanya, dahil dito mo malalaman kung tunay ang sinasabi niyang pagmamahal sa’yo. Dahil ang wagas na pag-ibig ay hindi nakabase sa pisikal na kaanyuan o ano pa mang intensiyon na maaaring meron siya sa pakikipagmabutihan niya sa’yo.

Kahit pa sabihin na pareho na kayong may edad, mainam pa rin na kilala ninyo nang mabuti ang isa’t isa at marapat lang na tunay na pagmamahal ang mamagitan sa inyong relasyon para pareho kayong maging maligaya.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: