^

Metro

Mag-ina, 1 pa, minasaker sa Caloocan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, 1 pa, minasaker sa Caloocan
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Wilma Liwanag, alyas Ada; ang anak nitong si Aries, 31 at ang live-in partner ni Wil- ma na isang alyas Boy.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang mag-ina, habang sugatan naman ang isang 5-anyos na paslit makaraang pagba­barilin ng mga arma­dong kalalakihan na pumasok sa kanilang bahay sa Caloocan City, ka­makalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan  ang mga biktimang sina Wilma Liwanag, alyas Ada; ang anak nitong si Aries, 31 at ang live-in partner ni Wil- ma na isang alyas Boy.

Ginagamot naman ang anak ni Aries na si Albert Liwanag, 5-anyos sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital  nang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang balikat.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect habang nagsasagawa pa ng follow-up operation hinggil sa insidente.

Sa imbestigasyon nina Homicide investigators PO3 Rommel Caburog at PO2 Philipp Joseph Reglos, ng Caloocan City Police, naganap ang insi­dente alas-9:50 ng gabi sa loob ng bahay ng mga biktima sa Block 3 Lot 8 Phase 9 Package 7 Brgy. 176, Bagong Silang ng na­turang siyudad.

Napag-alaman na  nagpapahinga ang mga bik-tima nang pwersahang pumasok ang mga suspect na nakasuot ng bonnet at face mask, kung saan winasak ng mga ito ang pintuan ng bahay ng mga nasawi.

Dito na nila pinagbaba-ril ang tatlo na naging dahilan ng agarang kamatayan ng mga ito.

Pagkatapos ng pama­maril ay mabilis na tuma­kas ang mga suspect at ang batang biktima ay dinala ng mga kapitbahay sa naturang ospital nang tamaan ng ligaw na bala.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng in­sidente ang apat na bas­yo ng bala ng kalibre .45, plastic sachet na nag­lalaman ng hinihina­lang shabu at drug paraphernalia.

Ayon sa Caloocan City Police, nasa ‘‘drug watch list’’ nila ang mga pinatay na mga biktima.

Patuloy pa ang isina-sagawang imbestigasyon sa insidente. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with