^

PSN Showbiz

Balikan sa pelikula nina Sarah at John Lloyd kasado na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Rejoicing ang fans ng aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo dahil sa balita na gagawa siya ng pelikula para sa Star Cinema at mangyayari ito ngayong 2017.

Missed na missed na si Sarah ng fans dahil 2015 pa nang gumawa siya ng pelikula dahil pinili niya na limitahan ang pagtanggap ng mga project noong 2016.

Nadagdagan ang excitement ng fans ni Sarah nang malaman nila na si John Lloyd Cruz ang leading man niya sa pelikula na gagawin nila sa Star Cinema.

Four years ago pa nang ipalabas sa mga sinehan ang blockbuster movie nina John Lloyd at Sarah, ang It Takes a Man and a Woman kaya nasabik nang husto ang mga supporter ng kanilang reel loveteam.

Pupusta ako na mas mahusay na aktres si Sarah sa pagbabalik –pelikula nito dahil magagamit niya ang kanyang mga natutunan at karanasan noong nakaraang taon.

Quiapo pinayuhang iwasan

Bukas pa ang Kapistahan ng Poong Nazareno pero trapik na kahapon sa paligid ng Quiapo Church dahil isinara na ang ibang mga kalsada.

Tiyak na mas matindi ang trapik ngayon sa Quiapo area dahil walang pasok kaya sasamantalahin ng mga deboto ang pagkakataon na makapunta sa Quiapo Church.

Sina Noli de Castro at Coco Martin ang dalawa sa mga kilalang personalidad na deboto ng Black Nazarene.

Kung magsisimba man si Coco sa Quiapo Church, malamang na incognito siya at sa dis-oras nang gabi siya pupunta para hindi magkagulo ang mga tao.

Ang iwasan ngayon at bukas, ng mga motorista, ang Quiapo area ang payo ng Philippine National Police dahil siguradong mapeperwisyo sila ng matin­ding trapik.

Coco babagayan ang Batang Quiapo ni FPJ

Deboto rin ng Black Nazarene si Fernando Poe, Jr. at ang kanyang misis na si Susan Roces.

Kung matatandaan ninyo, idineklara ni Senator Grace Poe ang kanyang kandidatura bilang pangulo sa Plaza Miranda na nasa harap ng Quiapo Church dahil tulad ng mga magulang niya, devotee rin siya ng Black Nazarene.

“Bata pa lang kasi ako, ‘yung nanay ko talagang deboto na ng Nazareno at nalipat niya ‘yun sa akin. Ang dami ko nang hamon sa buhay hindi lang naman dito sa pulitika pero kapag pumupunta ako, doon gumagaan ang loob ko at marami rin  mga nagdadasal doon.

“Para bang pagtapos mong magpunta, kapag palabas ka na ilalapit sa’yo at sasabihing, ‘Ay, ‘wag kang susuko.’...magandang simbolo ‘yan kaya patuloy ko lang ginagawa,” ang sabi noon ni Mama Grace tungkol sa pagsisimba niya sa Quiapo Church.

Ang pagiging deboto ni Kuya Ron sa Quiapo Church ang isang dahilan kaya gumawa siya ng pelikula noong 1986 tungkol sa Quiapo, ang Batang Quiapo, ang blockbuster movie nila ni Maricel Soriano.

Ang Regal Films ni Mother Lily ang producer ng Batang Quiapo na matagal na ipinalabas noon sa mga sinehan sa Metro Manila dahil talagang pinilahan sa takilya.

May mga suggestion kay Coco Martin na magbida sa remake ng Batang Quiapo na hindi imposible na mangyari dahil binasbasan siya ni Manang Inday para gawin niya ang television adaptation ng Ang Probinsyano.

Triplets sipag-sipagan

Masipag mag-promote ng Meant to Be sina Tina Paner, Manilyn Reynes at Sheryl Cruz.

Ang Meant to Be ang primetime teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula bukas, 9:15 pm, pagkatapos ng Alyas Robinhood.

Maligaya ang tatlo dahil nabuo uli sa Meant to Be ang  Triplets, ang grupo nila sa That’s Entertainment noong dekada ’90.

May trivia ako tungkol kina Manilyn, Tina at Sheryl, bago sila naging mga miyembro ng Triplets, napanood ang tatlo sa Batang Quiapo, ang pelikula nina Kuya Ron at Maricel.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with