^

Punto Mo

Milagro

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TAMAD mag-aral ang kanyang anak. Babae pa naman at panganay niya. Lahat ng paraan ay ginawa nilang mag-asawa para magbago ang attitude pero walang nangyari. Halos sa simbahan na tumira ang ina sa kadadasal na magbago sana ang kanyang panganay.

Sa edad na 21 anyos ay hindi pa nito matapos-tapos ang kolehiyo. Papalit-palit ng kurso kaya irregular second year sa loob ng 5 taon. Sumagad na ang pasensiya ng ama’t ina kaya kinausap nila ang anak.

Matanda ka na. Gawin mo ang anumang gusto mo at hindi ka na namin pakikialaman.. Kung gusto mong tumigil sa pag-aaral at dito na lang mag-stay sa probinsiya…bahala ka. Kung gusto mong lumuwas ng Maynila at magtrabaho na lang…bahala ka. Hindi na kami tututol kung anuman ang gusto mong gawin sa iyong buhay.

Naisip ng mga magulang na nagtetengang kawali lang ang anak nila sa kanilang mga pangaral. Kaya hayan...pakawalan nga nila! Nagpasya ang ama’t ina na huwag na itong pakialaman. Hayaan na lang itong magpatakbo sa kanyang sariling buhay. 

Lumuwas ito at nagtrabaho bilang ahente ng condo at  kotse. Anim na buwan pa lang ay nagtapat ito sa mga magulang na nahihirapan siya sa paghahanapbuhay. Nagmakaawa itong bigyan muli siya ng tsansang pag-aralin.

‘Pangako po, tatapusin ko ang aking pag-aaral. Kapag hindi po ako nakatupad, itakwil na po ninyo ako bilang anak.’

Noong isang araw ay nagtapos ang kanilang panganay sa kursong Medicine. At least, hindi nasayang ang  pagsasakripisyo ng ina na dumidipa habang nagrorosaryo.

“Never stop believing in hope, because miracles happen everyday”

vuukle comment

ATTITUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with