^

True Confessions

Ang Magkapatid (113)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY sa pagku­kuwento si Manong Nesto sa magkapatid na sina Ipe at Ada. Hinayaan naman ito ng magkapatid sapagkat gusto rin nilang malaman ang katotoha­nan na matagal din naman nilang hinahanap. Si Manong Nesto pala ang maglalahad ng mga “nakatagong lihim” ng ka­nilang ama. Maraming alam si Manong Nesto.
“Inabandona si Philip ng asawa nito dahil nalulong ito sa alak at droga, Hindi sila nagkaroon ng anak dahil may deperensiya ang babae. Mayaman ang babaing napaganga­sawa ni Philip – halos kasingyaman din nila. Nasa ibang bansa na ang babae. Kaya ito napangasawa ni Philip ay dahil na rin sa sulsol ng mama nito. Gusto kasi ng mama ni Philip ay katulad din nilang mayaman ang mapangasawa para ma-preserba ang yaman. Iyon  din ang dahilan kaya matindi ang pagtutol ng mama ni Philip sa dating nobya nito --- ang inyong mama nga  --- si Anna Rose. Tutol na tutol ang mama ni Philip kay Anna Rose dahil mahirap pa raw sa daga.

“Pero ang alam ko, talagang mahal ni Philip si Anna Rose kaya lamang ay talagang matindi ang pagnanais ng mama nito na mapaghiwalay ang da­lawa. Hindi raw papayag na isang kahig, isang tuka lang ang mapangasawa. Gagawin daw ang lahat. At nangyari nga iyon nang ipakasal si Philip at ang mayamang babae. Hindi makatanggi si Philip sa kagustuhan ng kanyang mama.

“Pero hindi naging masaya ang pagsasama sapagkat nalulong sa alak at droga nga si Philip. Lalo pang naging sugapa nang malamang hindi pala magkakaanak ang pinakasalan dahil may problema sa obaryo. Isa pang naging dahilan  ng pagka-alcoholic ay ang galit na nadarama sa kanyang mama na lahat na lamang ay pinakialaman o pinanghimasukan. Dahil wala nang masu­lingan, alak at droga at napagbalingan.

“Kapag nalalasing ay minumura ang kanyang mama. Sinisisi sa nangyari sa kanyang buhay. Kung hindi raw ito nakialam, hindi masisira ang buhay.

“Hanggang sa biglang bumagsak ang kanilang negosyo. Nawalang parang bula ang mga ari-arian. Namatay ang papa ni Philip dahil hindi matanggap ang pagkalugi. Kung anu-ano pang kamalasan ang dumating. Nasu­nu­gan pa. Ninakawan ng mga tauhan…’’

Nagsasalita pa si Ma­nong Nesto nang may tu­mawag sa cell phone ni Ada. Nag-excuse si Ada. Tumayo ito para sagutin ang phone.

“Hello?’’

“Hello Ada. Si Caridad ito. Maid ni Enyora.’’

“Bakit ka po tumawag Manang Caridad?’’

“May nangyari kay En­yora, Ada. Tulungan mo ako!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with