^

Bansa

Impeachment ititigil kung magbibitiw si Sereno - Umali

Pilipino Star Ngayon
Impeachment ititigil kung magbibitiw si Sereno - Umali

MANILA, Philippines — Tanging pagbibitiw lamang sa pwesto ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang makakapigil sa impeachment proceedings laban sa kaniya, ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ngayong Huwebes.

"Parang kay Andy Bautista rin na noong una ay ayaw mag-resign," pahayag ni Umali sa kaniyang panayam sa dzMM.

Tinutukoy ng mambabatas ang pagbibitiw ni dating Commission on Elections Chair Andy Bautista na isinalang din sa impeachment trial ng Kamara.

Hindi na umabot sa Senado ang impeachment ni Bautista matapos siyang magbitiw nitong Oktubre kung saan napaaga ito mula sa kaniyang orihinal na planong tapusin ang taon.

Sinabi ni Umali na matitigil lamang din ang pagdinig sa kaso ni Sereno kung susundan niya ang yapak ni Bautista.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Sereno na wala sa plano ng Chief Justice na iwanan ang pwesto.

Sinabi ng tagapagsalita ni Sereno na si Carlo Cruz na kailangang harapin nila ang impeachment upang mapanatili ang dignidad ng Korte Suprema at ng kaniyang opisina.

Muling magpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice sa Martes.

Inaasahang muling sasalang si Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro na inilahad ang memo ni Sereno sa paglikha ng Judiciary Decentralized Office (JDO) sa Region 7.

Giit ni de Castro, ang pagtatag ng JDO ay taliwas sa resolusyon ng en banc para sa revival ng Regional Court Administration Office sa nasabing rehiyon subalit nagulat na lamang sila ng inimbitahan na sila sa launching ng JDO nang hindi idinaan sa konsultasyon.

"We will try to cover as much as we can kay Justice De Castro, kasama na rin diyan ang manipulation sa (Judicial and Bar Council). This has something to with the collegiality of SC," sabi ni Umali. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with