^

Bansa

Dagdag na P6-B sa ‘free college’ ikinagalak ni Salceda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lubos na ikinagalak ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang pahayag ng Malacañang na ilalaan sa programang free tuition sa kolehiyo ang P6-bilyong bayad ng Philippine Airlines (PAL) sa utang nito sa pamahaan.

 Ang RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ay batay sa HB 2771 ni Salceda sa Kongreso kung saan isinama ang kahalintulad na mga panukala nina party list Reps. Antonio Tinio (ACT) at Sarah Jane Elago (KABATAAN). Nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas, marami ang nagduda kung ito ay magkakatotoo.

 Napakalma lamang ang duda matapos i-reallign ng House Appropriations Committee kung saan senior vice chair din si Salceda, ang P41 bilyon para sa programa mula sa ibang pundo sa 2018 budget. Ang bayad utang ng PAL ay madadagdag pa rito.

 Ayon kay Salceda, pinatutunayan lamang nito na determinado ang administrasyong Duterte na bigyang katuparan ang Universal Access to Qua­lity Tertiary Education Act tungo sa tunay na patas na lipunan. Isa pang panukalang batas niya na may gayon ding layunin, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion bill.

  Naging inspirasyon ng RA 10931 ang karanasan ng Albay sa programang Universal Access to College Education nito na pinasimulan ni Salceda nang gobernador siya ng lalawigan nang siyam na taon.         Natulungan ng programa ang 88,888 estudyante upang makatapos ng kanilang pag-aaral, na kasabay ng iba pang malikhaing mga programa niya ay naging daan ng pagbaba ng kahirapan sa Albay sa 15 porsiyento na lamang ngayon mula 41% noong 2007.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with