PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

LP sa sibakan sa Kamara: Demokrasya hindi diktadura

MANILA, Philippines – Binatikos ng Liberal Party ang naganap na sibakan sa Kamara ng mga bumoto kontra sa death penalty.

Sinabi ng pinuno ng LP na si Sen. Francis Pangilingan na nawawala na ang independiente ng Kongreso sa pagtanggal sa mga mambabatas sa kani-kanilang committee leadership matapos kalabanin ang isinusulong ng administrasyon na House Bill 4727.

"Speaker's (Pantaleon Alvarez) action is divisive and detrimental to the character of Congress as an independent and deliberative institution," pahayag ni Pangilinan. "In a democracy, dissent must be met with thoughtful reasoning, not political retribution."

Ilan sa mga nasibak sa liderato ng Kamara ay sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, civil service panel chair Vilma Santos-Recto at basic education panel chair Evelina Escudero.

Bago nito ay binalaan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga mambabatas na masisibak kapag kinontra ang panukalang batas.

Bagaman inaasahan na ito ay napaaga ang sibakan na sinabi noon ni Alvarez na gagawin pa sa Mayo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Nasa demokrasya tayo at hindi diktadura. Hindi dahil tumututol sa ilang mga isyu na tinutulak ng administrasyon ay ibig sabihin ay kaaway na o dapat nang pinaparusahan o tinatanggalan ng komite ang mga halal na opisyal," komento ni Pangilinan.

Sa paglusot ng parusang kamatayan sa Kamara ay inaabangan ang paggulong nito sa Senado kung saan inaasahan na magiging mahigpit ang laban.

Bago ang sibakan sa Kamara ay nauna nang nangyari ito sa Senado nang matanggal din sa committee leaderships sina Pangilinan, Sens. Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Dahil dito ay binuo nila ang minorya kasama si Sen. Antonio Trillanes IV.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: