^

True Confessions

Ang Magkakapatid (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISINARA ang palengkeng nasunog. Deli­kado nang magtinda roon sapagkat maaaring­ maguho dahil sa gra­beng pagkasunog. Sabi nang namamahala ay ipa­­gagawa raw iyon ng pa­mahalaang local at kapag natapos ay ang mga dati pa ring nagtitinda ang ookupa. Ang problema ay hindi alam kung kailan uumpisahan ang paggawa sa nasunog na palengke dahil marami pa raw ang mag-aapruba. Dadaan pa sa konseho at kung sinu-sino pa ang tatanungin para wala raw gulo kapag itinatayo na. Pero huwag daw mangamba ang mga dati nang may puwesto o stall sapagkat sila pa rin ang prayoridad.

Pero sabi ni Karla, malabo na raw makabalik ang mga dati nang may puwesto sapagkat mayroon nang mga nakaabang na ibang tao para umukopa sa mga stall. Mataas daw ang renta ng mga bagong mag­titinda. Umugong din ang balita na sadyang sinunog ang palengke para mga bagong owner na ang umukopa roon at itinaas na ang renta. Sa sobrang taas ng upa, hindi ito kakayanin ng mga karaniwang tindera.

“Kaya malaki ang kutob ko, hindi na tayo makaka­balik sa palengkeng ‘yun,” sabi ni Karla na masama ang loob. “Kapag nangyari ‘yun wala na tayong pagtitindahan. Kawawa tayo, Ada.’’

“Saan ka magtitinda, Ninang?’’

“Hindi ko pa alam Ada. Baka matuloy na ang ba­lak kong mag-DH.’’

“Mag-aabroad ka Ni­nang?’’

“Balak pa lang. Kapag hindi na nga tayo naka­balik sa palengke, baka mag-aplay akong DH sa Hong Kong.’’

Nalungkot si Ada.

“Huwag ka nang mag-DH, Ninang.’’

“Balak pa lang Ada.’’

“Dito ka na lang Ninang. Wala na kaming ta­takbuhan ni Kuya Ipe kapag nag-DH ka.’’

Nagtawa si Karla.

‘‘Para namang bukas e aalis na ako. Balak pa nga lang ito, Ada.’’

“Sana, huwag mong ituloy yang balak na ‘yan Ninang.’’

Tinapik-tapik ni Karla sa balikat si Ada.

PROBLEMADO si Ipe. Nag-iisip ng paraan kung paano madadag­dagan ang kinikita. Nga­yong wala na silang tin­dahan sa palengke, ma­aaring kapusin na sila. Makakapag-aral siya pero wala silang kaka­inin ni Ada.

Kailangang gumawa siya ng paraan para ma­kakita ng extrang trabaho. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakaka­kita dagdag na pagkaka­kitaan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with