^

PSN Showbiz

Buhay ni ’nganga sa bus girl’ tampok sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Franz, ang babaeng nag-trend at nag-viral sa social media at tinawag na “nganga sa bus girl”.

Itinatampok sina Divine Auciña bilang Franz, Joshua Dionisio bilang Primo, Gardo Versoza bilang Tatay Iko, Sue Prado bilang Nanay Malou, Stephanie Sol bilang Vina, Arny Ross bilang Maricris, Sancho delas Alas bilang Jonjon, at Pauline Mendoza bilang Young Maricris.

Noong kabataan ay mahiyain si Franz. Alam niya sa sarili na hindi siya kagandahan pero dahil sa full support ng kanyang tatay sa pangarap niyang maging sikat na dancer ay nabuo ang nag-uumapaw niyang self-confidence.

Sa pagsasayaw nakilala niya si Phrain, ang lalaking nagbigay sa kanya ng sobrang atensyon at pagmamahal. Kalaunan ay nagdesisyon silang magsama na at bumuo ng pamilya. Dahil night shift si Franz sa trabaho, konti lang ang oras niya para matulog. Madalas ay sinasabayan pa niya si Baby Miel habang gising ito sa umaga. Kaya tuwing papasok ng trabaho, pagod na pagod pa rin siya at minsan ay bumabawi na lang ng tulog sa byahe.

Isang araw, pag-uwi niya ng bahay, nagulat na lang siya nang ipakita ng kaibigan niya ang pagkalat ng kanyang litrato habang nakangangang tulog at nakahilig sa balikat ng katabing lalaki. Mas lalo pang nakasakit sa kanya ang mga unang komentong nabasa nila dahil sa pambu-bully ng netizens tungkol sa kanyang hitsura habang natutulog sa bus.

Doon siya ulit nakaramdam ng awa sa sarili. Pero nandoon palagi si Phrain para i-comfort siya. Sinuportahan din siya ng kanyang pamilya.

Mula sa direksyon ni LA Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

vuukle comment

MAGPAKAILANMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with