NEU pabor sa K to 12
MANILA, Philippines - Nakikiisa na ang National Employees Union (NEU) ng Department of Education (DepEd) na mapanatili ang pagpapatupad ng K to 12 program sa bansa.
Matatandaang isa ang nabanggit na unyon sa mga unang nagpahayag ng pagtutol at pag-aalangan sa K-12 dahil sa pangambang maging dagdag pasakit lamang ito sa mga magulang.
Gayunman, kahapon ay nagpalabas ng kalatas ng suporta ang union para sa programa na isinulong ni Education Secretary Armin Luistro.
Ayon sa NEU, napapanahon na ang implementasyon ng naturang programa. “We affirm that K to 12 is a timely intervention and a necessary move that will upgrade the standard of our basic education system,” nakasaad sa isang kalatas. “NEU is with the Department and the entire nation as it welcome this milestone in the history of our education system with the opening of SHS this June,” bahagi pa ng kalatas.Umaasa rin sila na hindi ibabasura ng administrasyong Duterte ang programa.
Ang full implementation ng K-12 program ay isasagawa na ngayong School Year 2016-2017 kasabay nang pagpasok sa Grade 11 ng mga mag-aaral.
- Latest