2 kisay sa kidlat
NORTH COTABATO, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng dalawang kawani ng pribadong kompanya matapos itong tamaan ng kidlat sa Purok Maligaya, Barangay Dajay sa bayan ng Surallah, South Cotabato noong Sabado. Kinilala ang mga biktima na sina Danny Buti Danao, 23, may-asawa; at nakatira sa Sitio T’boli, Barangay Kusan sa bayan ng Banga; at Nestor Pagurao Feller, 38, ng Purok Maligaya sa Barangay Dajay. Sa inisyal na imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang tamaan ng kidlat. Agad namang isinugod sa ospital ang dalawa subalit idineklarang patay.
- Latest