^

Bansa

Tag-ulan magsisimula na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tag-ulan magsisimula na
Ayon kay weather specialist Aldzcar Aurelio, ang nararanasang pag uulan sa ngayon ay senyales na papasok na ang rainy season.
STAR file photo

MANILA, Philippines - Papasok na ang panahon ng tag-ulan sa huling linggo ng buwan ng Mayo.

Ito ang sinabi kahapon ni weather specialist Aldzcar Aurelio ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa) dulot na rin ng mga nararanasang pag-ulan sa bansa lalo na sa Metro Manila nitong mga nagdaang araw.

Sa panayam, sinabi ni Aurelio na ang nararanasang pag uulan sa ngayon ay senyales na papasok na ang rainy season.

Gayunman, sinabi ni Aurelio na kahit na pumasok ang tag-ulan ay hindi pa kumakawala ang El Niño pheno­menon o panahon ng tagtuyot.

Ayon sa Pagasa, asahan na ang madalas na pag-ulan sa huling linggo ng Mayo dahil sa buntot ng cold front na nakakaapekto sa Luzon habang inter tropical convergence zone (ITCZ) naman ang umiiral sa southern Mindanao.

Magiging maulap naman ang papawirin na may pag-uulan sa Visayas at kabuuan ng Mindanao gayundin ang Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon ay makakaranas ng mga pag ulan.

Sa Metro Manila, asahan ang thunderstorm kung kaya’t maulan sa  hapon o gabi. Gayunman, wala namang namomonitor ang Pag Asa na bagyo na maaaring pumasok sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with