Simpleng inagurasyon kay Duterte
MANILA, Philippines - Isang simple na inagurasyon ang inihahanda ng transition team ni presumptive President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Peter Lavina, spokesman ni Duterte, hindi magarbo ang nais na inagurasyon ni Mayor Duterte sa darating na June 30 sa pag-upo nito.
Wika ni Lavina, naisumite na nila kay Mayor Duterte ang ilang listahan na posibleng bumuo sa kanyang gabinete.
Aniya, mahalaga na may maitalaga agad na gabinete si Mayor Duterte dahil hanggang June 30 ang appointment ng mga co-terminus ni outgoing President Aquino.
Hindi naman nagbigay ng anumang pangalan si Lavina sa mga posibleng kabilang sa Gabinete ni Duterte.
Naunang sinabi ni Duterte na posibleng kabilang sa kanyang gabinete sina Carlos Dominguez, Jess Dureza, Mayor Jun Evasco, ilang retired generals.
- Latest




















