Duterte binati na ng US
MANILA, Philippines - Binati na ng Estados Unidos si presumptive President-elect Rodrigo “Digong” Duterte matapos ang kanyang landslide win sa May 9 Philippine presidential elections.
Sa isang kalatas, ipinarating ng United States Embassy sa Manila ang pagbati ng US government kay Duterte at sa buong sambayanang Pilipino dahil sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa Pilipinas upang mailuklok ang bagong pangulo ng bansa at iba pang matataas na posisyon.
“The United States offers its sincerest congratulations to the people of the Philippines on the conclusion on the May 9, 2016 general elections, and to the presumptive president-elect Rodrigo Duterte,” ayon sa statement ng US Embassy.
Sinabi ng US na umaasa rin silang magkakaroon na ng opisyal na konklusyon ng electoral process para naman sa iba’t ibang tanggapan o posisyon na pinaglalabanan sa national elections.
Iginiit pa na ang Pilipinas at Amerika ay may matagal nang kasaysayan pagdating sa pangako at responsiblidad na patatagin ang democratic values at institusyon.
Ang matagumpay umanong halalan sa Pilipinas at malaking number ng voters ay patunay nang pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas.
“The successful elections in the Philippines, and its record-setting number of voters, are a testament to the Philippines’ vibrant democracy,” ayon sa kalatas.
Nangako ang US na kanilang ipagpapatuloy ang matibay at malalim na relasyon nito sa Pilipinas at sa bagong administrasyon.
“The United States looks forward to continuing to deepen our bilateral partnership with the new administration as we address common challenges and issues of mutual interest,” ayon sa Embahada.
- Latest






















