^

Bansa

Digong sadsad sa ‘rape joke’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinalasan si Davao City Mayor at PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte ng mayorya ng kanyang mga tagasuporta dahil sa kontrobersiyal na “rape joke”.

Sa huling survey ng Pulse Asia, sinabi ni Pulse Asia Research Director Dr. Ana Maria Tabunda na nawalan si Duterte ng nine percent sa NCR (National Capital Region o Metro Manila). Mula sa 43 percent ay 34 percent na lang ang alkalde ng tinaguriang “Murder Capital of the Philippines”.

“Napakahalaga ng pagbagsak sa NCR at nagpapakitang merong epekto sa mga botante ang kanyang rape joke. Mabilis ang reaksyon sa mga isyu ng mga botante sa NCR,” sabi ni Tabunda.

Noon, ayon kay Tabunda, inaabot ng dalawang linggo bago mapuna ng publiko ang isang isyu. Pero, dahil sa social media, madaling makarating sa mga tao ang mga usapin.

Isang mahalagang lugar ang Metro Manila dahil ito ang pangalawang may pinakamataas na bilang ng mga botante na umaabot sa 6,253,249. Nangunguna ang Calabarzon na merong mahigit pitong milyong rehistradong botante. Sa buong bansa, merong 54,363,844 rehistradong botante sa Mayo 9, ayon sa Comelec.

Sinabi pa ni Tabunda na nawalan si Duterte ng three point sa kanyang balwarte sa Mindanao na mula sa 61% ay bumaba sa 58 percent.

Bumagsak din si Du­terte nang 10% sa Class A,B,C (47 to 37) at three percent sa Class E (34 to 31).

Sa kabila ng pangu­nguna ni Duterte sa hu­ling survey, naniniwala si Tabunda na hindi pa plantsado sa survey ang double-digit figure ng alkalde dahil sa bagong alegasyon sa umano’y tagong yaman nito na ibinunyag ni Senador Antonio Trillanes IV.

Hindi umano malayong magpatuloy pa ang pagbagsak ni Duterte lalo na nga at naisiwalat pa ang kanyang P211 million “hidden wealth”.

Unang tinangkang ismolin ni Duterte at tinawag pang “gago” ang senador at itinatwa ang sinabing joint account niya at ng anak na si Sarah na nakadeposito sa BPI Julia Vargas branch sa Pasig City. Ngunit sa kalaunan, inamin din ni Digong na mayroon siyang deposito sa nasabing bangko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with