^

Bansa

Romualdez pinalakas ang mega urban poor group

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas ang kampanya sa pagkasenador ni Leyte Rep. Martin Romualdez matapos ibigay ng isang malaking urban poor group sa bansa ang suporta nito sa kanya sa isang multi-sectoral forum sa Quezon City.

Nanindigan ang grupong Sulong Mamayang Pilipino (SUMAPIL) na kahit ano pa man ang mangyari ay bibitbitin nila ang kandidatura ni Romualdez dahil naniniwala ang kanilang libu-libong mi­yembro na ang mambabatas ang kanilang magiging boses sa Senado.

“Naniniwala kami na si Romualdez ang aming magiging boses sa Senado upang isulong ang mga programang para sa mahihirap tulad ng murang pabahay, at relokasyon,” pahayag ni Mayet Nacional, national president ng SUMAPIL na isang pederasyon ng 500 urban poor groups sa loob at labas ng Metro Manila.

Sinabi naman ni SUMAPIL vice president Rodrigo Abraham na unang-una si Romualdez sa mga senatorial candidates na dadalhin ng kanilang malaking grupo dahil sa ipinakitang malasakit ng kongresista sa mga naging biktima ni Yolanda sa Leyte.

Pinasalamatan naman ni Romualdez ang mga miyembro ng SUMAPIL sa pagsuporta ng mga ito sa kanya.

Sa naturang forum, tinalakay ni Romualdez ang kanyang mga plano sa murang pabahay at relokasyon, pagpapatuloy ng 4Ps, pagtugon sa labor contractualization, at kapakanan ng mga persons with disabilities (PWDs).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with