^

Bansa

Digong hinamon ng suntukan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Fight like the man you say you are.” 

Ito ang naging hamon ni dating Negros Occidental Gov. Lito Coscolluela kay Davao City Mayor at PDP-Laban Presidential candidate Rodrigo Duterte matapos sabihing ‘mahihina’ at ‘mahihirap’ lamang ang kayang duruin ng alkalde. Ayon kay Coscolluela, hinahamon niya si Duterte na tapusin nilang dalawa ang mga binubu­yangyang ng alkalde kung talagang matapang siya tulad ng mga sinasabi nito.

“Take away your goons and let’s fight like real men. Let’s see if you can really fight like the man you say you are,” sabi ni Coscolluela.

Ayon kay Coscolluela, iyong maliliit lamang ang ka­yang duruin ni Duterte pero hindi niya kayang labanan ang mga bigtime crime lords at ang mga communist insurgents na kumokontrol na malaking lugar sa Davao City.

Nairita si Coscolluella, matapos ang pinagsasabi ni Duterte sa kanyang kuwento tungkol sa isang Australian national na ginahasa at pinatay ng mga bilanggong nang-hostage dito noong 1989 sa Davao City.

Ayon kay Coscolluella, dinadaya lamang ni Duterte ang maraming Filipinos sa diumano’y kasigaan nito at wala rin siyang maipapakita na ang Davao City ay mas mahusay sa ibang siudad sa Pilipinas kabilang ang Bacolod City.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with