^

Bansa

Digong mag-sorry ka!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang puknat ang inaa­ning batikos ngayon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa kumalat nitong ‘rape joke’ sa social media kaugnay sa Australyanang biktima ng rape noong 1989 sa Davao. Nagkaisa ang mga Christian missiona­ries at grupo ng kababaihan sa panawagan kay Duterte na “mag-sorry” siya.

Sa kanyang ‘Facebook account’ noong Sabado, mariing binatikos ni Robin Haines Merrill, isang Amerikanang misyonaryo, ang mga tinuran ni Duterte.

Aniya, bagaman hindi niya nakasama si Jacqueline Hamill, kilala niya ito dahil pareho silang nadestino sa Pilipinas noong dekada ‘80 at pareho rin ang kanilang misyon na tulungan ang mga bilanggo.

“On behalf of my sister in Christ, missionary Jacqueline Hamill, I publicly denounce the presidential candidacy of Duterte in the Philippines,” ani Merrill.

“Jacqueline was raped and had her throat slit while ministe­ring in the jails in southern Philippines in a 1989 hostage taking.

“Duterte was recorded this week saying in his political rally that while he ordered the killing of the hostage takers while he was mayor, he wished he could have raped her first, since she was so beautiful,” dagdag pa ni Merrill, kasabay ng pagsasabing hindi na niya susuportahan ang kandidatura ng alkalde.

Ayon naman sa grupong Gabriela na masugid na taga-suporta ni Duterte, hindi dapat ginagawang biro ang isyu ng rape at dapat lang na agad humingi ng patawad si Duterte, bagay na ayaw naman nitong gawin.

“Rape, or any form of sexual abuse is not a joke nor something to be trivialized in a joke, especially by a public official and most especially by those aspiring for the highest post in the land,” anang Gabriela sa isang pahayag.

Sagot naman ni Duterte, hindi siya hihingi ng paumanhin sa kanyang mga pahayag.

“I am even willing to lose the presidency. Do not make me apologize for something which I did which was called for at that moment,” sabi niya.

“I can lose Gabriela and all, wala akong pakialam. Sabi ko sa ‘yo, I will not die if I do not become president,” dagdag niya.

Sa isang viral video na kinuha mula sa kampanya ni Duterte sa Quezon City, ikinuwento ng mayor ang kanyang naisip nung nakita niya ang bangkay ni Hamill. “Tiningnan ko yung mukha, ‘t*ngina parang artista sa America na maganda. P*tang*na, sayang ito. Ang nagpasok sa isip ko, nirape nila, pinagpilahan nila doon. Nagalit ako kasi nirape, oo isa rin ‘yun. Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sa­yang,” sabi ni Duterte.

Pumalag naman ang Embahada ng Australia sa Pilipinas ukol sa mga pahayag ni Duterte. “Ang rape at pagpatay ay hindi dapat minamaliit o pinagtatawanan,” sabi ng pahayag sa wikang Ingles. “Ang karahasan laban sa kababaihan ay hindi katanggap-tanggap, kahit saan, kahit kailan,” dagdag nito. 

Bukod kay Merrill at Gabriela, una nang nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katoliko na huwag suportahan ng publiko ang kandidatura ni Duterte dahil umano sa inilalako nitong plataporma ng pamumuno na nakabatay sa karahasan katulad ng pagpatay sa mga kriminal.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with