^

Bansa

Robredo panalo sa VP debate - analysts, netizens

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkaisa ang mga analysts at bloggers sa pagsasabing angat si vice presidential candidate Leni Robredo sa VP debate na ginawa noong Linggo sa UST Quadricentennial Pavilion.

Pinuri ni dating congressman Teddy Locsin Jr., na kilalang kritiko ng administrasyon, ang ipinakita ni Robredo sa debate, sa pagsasabing “Leni was presidential. Period” sa kanyang Twitter account na pinuri pa ang pagiging kalmado ni Robredo sa gitna ng argumento ng ibang kandidato.

Sa kanyang parte, sinabi ni Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Election Reforms, na umangat si Robredo sa bahaging tinatalakay ang Martial Law at nakaw na yaman ng mga Marcos.

“From my vantage point, it was Leni Robredo who started the Marcos issue,” wika ni Casiple.

Ayon kay Casiple, ang magandang pakita ni Rob­redo sa debate ay patunay na hindi siya bagito at kaya niyang makipagsabayan sa mga beteranong senador.

Para naman kay Karen Jimeno, CNN Philippines’ legal/political analyst, nagbida si Robredo dahil sa kanyang magagandang pahayag at hindi pawang “motherhood statements” lang. Samantala, pinili rin si Robredo ng netizens na siyang nanalo sa magkahiwalay na poll ng dalawang media entities.

Ayon sa Rappler, nakakuha si Robredo ng 242 votes (41.58%) mula sa kabuuang 582 boto sa online poll.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with