^

Bansa

OFWs pinasalamatan ni Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Vice President Jejomar Binay ang mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa malaki nilang naiaambag sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Binay, kapag pinalad siya sa 2016 ay sisikapin niyang mabawasan ang bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa habang pada­damihin nito ang trabaho sa bansa.

“Malaki ho ang aking pasasalamat at ng ating bansa sa ating mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil ho sa mga remittances na ipinapadala nila dito sa ating bansa,” ani Binay.

Sinabi ni Binay na hindi lamang ang pamilya ng mga OFWs ang kanilang natutulu­ngan sa pamamagitan ng mga ipinadadalang remittances kundi ma­ging ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Binay, da­ting presidential adviser on OFW concerns, ang perang ipinadadala sa Pilipinas ng mga manggagawang Pinoy ay nakakatulong ng malaki na pagalawin ang ekonomiya

“Ang bawat pagbili na ginagawa ng mga pamilya, gamit ang perang ipinapadala ng ating mga OFWs, ay tumutulong na paandarin ang ating ekonomiya,” pahayag ni Binay.

Sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumalabas na nagkapagpadala ang mga OFWs ng $2.2 billion nitong Oktubre, 2015.

Ang remittance ay umabot sa $20.6 billion mula Enero hanggang Oktubre, may  3.67 porsyento sa nasabing period noong nakalipas na taon.

Nang nakalipas na taon, tumaas ang rekord ng mga ipinadala ng mga OFWs na umabot sa  $24 billion sa Pilipinas na halos ika-sampu sa Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas.

“Ang mga inaangkat natin sa ibang bansa ay nabibili indirectly ng mga dolyar na ipinapadala rito sa ating bansa,”

Sa kanyang magi­ging administrasyon, tiniyak ni Binay na dadami ang trabaho sa agrikultura, manupaktura, mi­ning, business process outsourcing, at export upang makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga unemployed.

“Pwede na nating sabihing mag-a-abroad tayo dahil gusto natin, at hindi dahil napilitan lang,” wika ni Binay

“Paiigtingin pa natin ang mga financial lite­racy programs to teach OFWs’ families to invest, and not to merely spend the money sent home,” dagdag pa ng Bise Presidente.

ACIRC

ANG

AYON

BANSA

BINAY

BISE PRESIDENTE

GROSS DOMESTIC PRODUCT

MGA

OFWS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with