Digong binira ni Leila
MANILA, Philippines – Hahadlangan ni Liberal Party (LP) senatorial candidate at dating Justice Sec. Leila de Lima ang plano ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na shoot to kill order sa mga criminal.
Ayon kay Sec. de Lima na dating head ng Commission on Human Rights (CHR), labag sa batas ang shoot to kill order na nais ipatupad ni Duterte laban sa mga criminal dahil may umiiral tayong batas.
Wika pa ni De Lima, tayo ay government of laws and not of men kaya dapat umiral lamang ang batas para sa lahat.
“If I have to spend the rest of my life advocating for the opposite of what Mayor Duterte stands for, I will do that even if its the only thing I do,” pangako ni De Lima.
Idinagdag pa ni De Lima, dapat batas ang umiral at hindi batas ng isang tao lamang dahil we are government of laws and not of men.
Isang international human rights group na nakabase sa London, United Kingdom ang pumalag tungkol sa human rights record ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ang Amnesty International ay isang non-government organization na nanalo ng Nobel Peace Prize noong 1977 para sa kontribusyon nito sa pagprotekta sa karapatang pantao sa buong mundo.
Aniya, sa lahat ng presidentiables ay matagal na nilang minomonitor si Duterte dahil sa mga balitang nagdidikit dito sa notorious na vigilante group na Davao Death Squad.
Binanatan ng Amnesty International ang pahayag kamakailan ni Duterte na balak nitong ibalik ang death penalty at ipatupad ito linggo-linggo. Nakakabahala ito, sabi ni Ritz Lee Santos III, chair ng Amnesty International Philippines.
“There are no formal charges in court, but based on the records of the Commission on Human Rights, there are allegations of human rights violations against him,” pahayag ni Santos. Ikinabahala rin ng grupo ang tinawag nitong “shotgun policies” ni Duterte at ang sagot ng publiko dito.
- Latest


















