^

Bansa

Patay kay Yolanda aabot sa 10,000!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangangambahang umakyat sa 10,000 katao ang nasawi sa buong Visayas kung saan sa Tacloban, Leyte na may 200,000 populasyon ay daan-daan na ang patay habang marami pa ang sinasabing nawawala.

Bunsod nito, nagpadala na ng team ang United Nations sa Pilipinas upang magbigay ng ayuda at emergency supplies kasunod na rin ng unang ulat ng Philippine Red Cross na may provisional 1,200 death toll na tataas pa dahil sa patuloy na pagkakarekober sa mga bangkay sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas na tinamaan ng super typhoon Yolanda.

Sa kasalukuyan, hindi pa ma-account ng pamahalaan ang eksaktong bilang ng mga nasasawi dahil na rin sa dami ng umano’y nawawala na na-wash out matapos tamaan ng bagyo na may lakas ng hangin na 235km kada oras na ikinukumpara sa category 4 hurricane sa Estados Unidos. 

Sa Tacloban lamang ay 300-400 katao ang sinasabing patay habang marami pa ang nirerekober at pinaghahanap na inanod at tinangay sa dagat at natabunan ng mga debris mula sa mga nagbagsakang mga gusali, puno at kabahayan.

Sa pagtaya ng gobyerno, may 4.3 milyong katao ang naapektuhan ni Yolanda sa may 36 probinsya sanhi ng pagkawala ng elektrisidad, komunikasyon at pagkasira ng mga gusali, kabahayan at pagsasara ng mga daanan dahil sa bagyo. 

Nagpahayag ng pakikiramay si UN Secretary General Ban Ki-moon at agad inatasan ang UN Humanitarian agencies na tumulong sa Pilipinas.

Ipadadala rin ng UNICEF ang tone-toneladang health, medical at shelter equipment mula sa Copenhagen kasama pa ang water purification at storage equipment mula naman sa Europe. 

Nagpahiram din ang US ng air at naval assets sa Pilipinas para sa relief at rescue operations kabilang ang ‘air lift operations’ sa mga narerekober na biktima at pagbibigay ng goods sa mga apektadong lugar habang tumutulong na ang US soldiers sa AFP sa “damage assessment” sa eastern Visayas.

Inianunsyo naman ng New Zealand Foreign Ministry kahapon na magbibigay sila ng inisyal na $125,000 kontribusyon sa International Federation of Red Cross bilang agarang suporta sa mga biktima. 

Nagpadala na rin ang United Kingdom ng humanitarian experts at pinakilos ang kanilang Rapid Response Facility (RRF) na kayang magbigay ng ayuda o suplay sa may 500,000 katao. 

 

vuukle comment

ESTADOS UNIDOS

INTERNATIONAL FEDERATION OF RED CROSS

NEW ZEALAND FOREIGN MINISTRY

PHILIPPINE RED CROSS

PILIPINAS

RAPID RESPONSE FACILITY

SA TACLOBAN

SECRETARY GENERAL BAN KI

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with