^

Bansa

Janet papatayin - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inakusahan kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago si Se­nate Minority Leader Juan Ponce Enrile na nagbabalak umano na ipapatay si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing mastermind sa P10 billion pork barrel funds scam na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Halos isang oras na sumalang sa pagtatanong ni Santiago si Napoles nang humarap sa Senado.

Pinayuhan ni Santiago si Napoles na kung “most guilty” si Enrile dapat ay magsalita na ito upang hindi na siya ipapatay.

“Kaya kung si Enrile ang most guilty sabihin mo na ngayon para malibre ka na at hindi ka na niya (Enrile) ipapatay,” sabi ni Santiago.

Idinagdag ni Santiago na may “asim” pa si Enrile at hindi ito dapat i-underestimate ni Napoles.

“Pag magbanyo yang taong (Enrile) yan dito sa Senate, may guwardya, may long rifle, assault rifle ganun. Huwag mo i underestimate yang Enrile na yan, may asim pa rin si tanda,” sabi pa ni Santiago.

Nauna rito, tinanong ni Santiago si Napoles kung totoo na “tanda” ang bansag nito kay Enrile na isa sa mga tumanggap umano ng kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel ng ilagay sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) pero negatibo ang naging sagot ni Napoles.

Ayon pa kay Santiago dapat magsalita si Napoles at ibunyag ang pangalan ng “most guilty” bilang proteksiyon na rin laban sa mga nagnanais magpapatay sa kanya.

Sinabi rin ni Santiago maaring magbigay si Napoles ng affidavit “under oath” na magsisilbing “dying­  declaration” nito.

Sinabi ni Santiago na kahit pa mamatay si Napoles, malakas pa rin ang gagawin nitong affidavit na puwedeng magdiin sa mastermind ng pork barrel scam.

Kung papayagan umano ni Napoles ang kasalukuyang sitwasyon at hindi ito magsasalita ay lilitaw talagang siya ang “most guilty”

Ayon pa kay Santiago, hindi lamang homicidal ang mga sangkot sa pork barrel scam kundi mga “murderous”.

Bago magtapos sa kan­yang pagtatanong, mu­ling pinayuhan ni San­tiago si Napoles na mag­sabi na ito ng totoo bago ipapatay ng mga senador na sangkot sa scam.

“Pag isipan mo ha this is a friendly tip from a lawyer. Wala naman akong makuha sa iyo eh, wala akong papasok pa ulit sa pulitika, wala akong hinahangad na TV mileage or advantage from appearing. But I will give this counsel, tell the truth before the senators affected have you assassinated,” ani Santiago.

Sa isang press conference, sinabi ni Santiago na si Enrile ang mastermind at “godfather” ng pork barrel scam.

 

vuukle comment

AYON

BUT I

ENRILE

JANET LIM-NAPOLES

MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

NAPOLES

PAG

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with