^

Bansa

Robin pinagre-resign si Drilon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maging ang actor na si Robin Padilla ay sumama na rin sa mga nananawagan na mag-resign na si Senate President Franklin Drilon.

Ginawa ni Padilla ang panawagan sa kanyang Instagram account matapos umamin si Drilon na tumanggap siya ng P100 milyong karagdagang pondo mula sa Development Acceleration Program (DAP) funds matapos ang impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.

Iinilagay pa ang picture ni Drilon na naka­kabit sa katawan ng isang baboy na may titulong “Pig and Politician Cross Breeding”.

Ang nasabing litrato ni Drilon kung saan inilagay ang kanyang ulo sa katawan ng isang baboy ay kumakalat maging sa Facebook.

Ipinalala pa ni Padilla na si Drilon ang dating kalihim ng Department of Justice noong siya ay makulong dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Nakalagay sa Instagram ni Padilla ang mga katagang: “Ang dating DOJ secretary na nagpakulong sa akin dahil sa salang kayabangan at pagiging mapusok. Ngayon senador ipakita mo sa mga kabataang Pilipino ang delikadeza at karangalan na inyong sinumpaan.”

Sinabi pa ni Padilla na dapat magbitiw si Drilon at humarap ito sa paglilitis ng taumbayan.

“Kasama ng inyong tungkulin bilang boses at amain ng Inangbayan bilang pinakapinuno ng mataas na kapulungan hinihingi ng Mapayapang Rebolosyon ang inyong pagbibitiw at harapin ang paglilitis ng mga Anak ng Bayan. Oras na para sa tunay na pagbabago at pagkapilipino,” sabi sa caption ng nasabing litrato na inilagay ni Padilla.

Ikinatwiran naman ng senador na walang mali, illegal, at immoral sa pagkakatanggap niya ng P100 milyon karagdagang pondo mula sa DAP ng pamahalaang Aquino na kaniyang ginamit para sa proyektong pang-imprastraktura.

“Mukhang nagkamali si Padilla,” sabi ni Drilon. “Hindi ko ibinulsa ang P100 milyon. Ang pondo mula sa DAP ay hindi cold cash, bagkus ito ay isa lamang listahan ng mga proyekto na isinumite ng mga mambabatas at local chief executives upang ipagawa sa Department of Public Works and Highways.”

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEVELOPMENT ACCELERATION PROGRAM

DRILON

INSTAGRAM

MAPAYAPANG REBOLOSYON

PADILLA

PIG AND POLITICIAN CROSS BREEDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with