^

Bansa

P251 billion ‘red flag projects’ nasilip sa 2027 budget

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P251 billion  ‘red flag projects’ nasilip sa 2027 budget
Sa pagdinig ng Senate Finance Committee, sinabi ni Gatchalian na umabot sa 7,107 proyekto ang may nakitang red flags.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mahigit 7,000 umano’y “red flag projects” na nagkakahalaga ng P251 bilyon sa ilalim ng panukalang P643.95 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2027.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee, sinabi ni Gatchalian na umabot sa 7,107 proyekto ang may nakitang red flags.

“So pag tinotal natin ito lahat, this is about 7,107 projects… parang 7,107 islands, pero projects worth about 251 billion pesos,” ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian kay DPWH Secretary Vince Dizon na sa kabila ng mga repormang ipinatutupad, mayroon pa ring mga proyektong nakalusot sa masusing pagsusuri.

Nanawagan din siya sa mga district engineer at regional director ng ahensya na linisin at ayusin ang kanilang datos bago pa man ito maipadala sa central office.

Umaasa naman si Gatchalian na hindi sinasadya ang mga nakitang anomalya at hinikayat ang DPWH na agad itong itama bago isumite ang committee report.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si Sen. JV Ejercito, Chairman ng Senate Finance Committee, sa P82 bil­yong halaga ng flood management projects na umano’y hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan at iba pang red flags sa panukalang pondo ng DPWH.

Kabilang sa mga natukoy na isyu ang mga proyektong may malabong deskripsiyon, lump-sum at clustered projects na kulang sa detalye, gayundin ang mga proyektong may nawawala o hindi magkakatugmang impormasyon sa saklaw, halaga at implementasyon.

DPWH

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with