^

Probinsiya

3 todas, tserman at 3 pa sugatan sa pamamaril!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 todas, tserman at 3 pa sugatan sa pamamaril!
Napasadsad sa gilid ng highway ang itim na Ford Ranger pickup truck na kinalululanan ng isang barangay chairwoman na si Ftima Mokamad kasama ang anak at isa pa nang tambangan at pagbabarilin ng armadong grupo sa Purok Pomelo, Barangay Tumbras, Kadayangan, sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) nitong Lunes.
John Unson

MANILA, Philippines — Patay ang isang retiradong sundalo, negosyante at collector ng isang money lending firm habang apat pa ang sugatan kabilang ang isang barangay chairwoman sa magkakahiwalay na insidente ng gun attack o pamamaril sa Central Mindanao nitong Nobyembre 16.

Ayon sa mga opisyal ng Police Regional Office-Bagsamoro Autonomous Region at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na may sakop sa Central Mindanao, ang mga nasawi ay kinilalang sina Danny Alif Lakim, dating kasapi ng Philippine Army; negosyanteng si Muda Hussim at Jingle Dela Cerna Pestanas, empleyado at kolektor ng Ramz Finance Service Lending Company at residente ng Kidapawan City.

Sa ulat ni P/Lt. Col, Brian Balite, hepe ng Datu Odin Municipal Police Station, ang Army member na si Lakim ay nagmamaneho ng kanyang silver Toyota Avanza nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki na nakaabang sa kanya sa gilid Cotabato-Isulan Highway sa Brgy. Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dakong alas-3:45 ng hapon.

Dahil sa mga tama ng bala na tinamo, nawalan ng kontrol sa manibela si Lakim at bumangga ang sasakyan nito sa puno ng niyog habang ang mga salarin ay mabilis na tumakas.

Samantala, ang businessman na si Hussim ay nagmamaneho ng kanyang puting kotseng Suzuki galing sa municipal center ng SK Pendulum sa Maguindanao del Sur nang pagbabarilin ng mga lalaki pagsapit nito sa Brgy. Malanget, bayan ng Pandag ng nasabing lalawigan.

Nang makitang napuruhan si Hussim, mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng getaway motorcycles. Siya ay idineklarng dead-on-arrival sa ospital matapos isugod ng mga sumaklolo.

Samantala, patay rin ang kolektor ng financing company na si Pestanas habang sugatan ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa pinaghihinalaang insidente ng robbery-holdup sa national highway ng Sitio Ipil-Ipil sa Brgy. Kitulaan, Kapalawan, Special Geographic Area (SGA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) alas-2 ng hapon kamakalawa.

Ang kasama ni Pestanas na si alyas “Jonel,” 38-anyos, driver-collector ay sugatan sa insidente at patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa ulat ng SGA, BARMM Police, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima galing sa pangongolekta ng pera at tseke sa mga kliyente nang harangin at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa lugar.

Samantala, sugatan din ang barangay chairwoman na si Fatima Mokamad, ng Brgy. Tumbras, Kadayangan; kanyang anak na lalaki at isang kasama nang sila ay pagbabarilin ng pistols habang sakay ng itim na Ford Ranger pickup truck at bumabagtas sa Purok Pomelo sa Barangay Tumbras, Kadayangan, sa Bangsamoro SGA.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with