^

Metro

Spa may ‘sex service’ sinalakay: 2 timbog, 12 babae nasagip

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Spa may �sex service� sinalakay: 2 timbog, 12 babae nasagip
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na sina Richelle Gumaru, 30, may-ari at receptionist ng Mira Spa na matatagpuan Reylila Building 47, panulukan ng  Mercury St. at Commonwealth Ave, Novaliches, Quezon City, at kaherang si June Boy Segovia, 35. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 12 na kababaihan na pinaniniwalang mga biktima ng human trafficking habang arestado ang may-ari ng isang spa at tauhan ng isang spa sa lungsod ka­makalawa ng gabi.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na sina Richelle Gumaru, 30, may-ari at receptionist ng Mira Spa na matatagpuan Reylila Building 47, panulukan ng  Mercury St. at Commonwealth Ave, Novaliches, Quezon City, at kaherang si June Boy Segovia, 35. 

Ayon kay QCPD Director PBrig. Gen. Redrico Maranan, nakatanggap ng sulat ang QCPD District Special Operation Unit (QCPD-DSOU) mula sa QC Business Permits and Licensing Department hinggil sa umano’y illegal activities ng Mira Spa na nag-aalok ng  “extra service” sa mga customer  bukod pa sa  massage therapy.

Sumailalim sa beripikasyon at surveillance ng QCPD DSOU at QCPD-District Women and Children Concern Section (QCPD-DWCCS) ang impormasyon  at ikinasa ang  entrapment operation.

Dakong alas-10:20 ng gabi nitong Lunes, ilang pulis ang nagpanggap na kustomer na inalukan umano ng “extra service” ng isang babaeng massage therapist.

Dito na pinasok ng QCPD-DSOU sa pangunguna ni PMaj. Wilfredo Tarran, Jr., QCPD DWCCS sa pamamahala ni PMaj. Reine Balmaceda at ng Social Services Department ng QC-LGU ang Mira Spa at hinuli ang mga suspek at nasagip naman ang 12 na kababaihan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with