^

True Confessions

Suklam (47)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Gulat na gulat ang tatay ni Brent nang sabihin niyang nag-resign na sa trabaho ang kasamahang babae na nakikiapid.

“Bakit nag-resign, Brent?’’ tanong nito.

“Buntis ‘Tay.’’

“Ha?’’

“Siguro hiyang-hiya na kaya ipinasyang mag-resign na lang. Hindi na siguro ka­yang humarap pa sa amin na mga kasamahan niya.’’

“Grabe pala ang nangyari.’’

“Oo ‘Tay. Nagulat nga rin ako nang malaman ang nangyari. Wala akong ka­alam-alam e nagkabuntisan na pala.’’

“Mabuti na lang at hindi ka nasangkot. Di ba gusto mong isumbong na ang babae sa mister niya—sino nga ‘yung mister—yung nag-imbita sa’yo na mag-inuman kayo?’’

“Si Julio po.’’

“Ah oo. Sabi mo ay na­pakabait ni Julio.’’

“Opo ‘Tay. Mabait si Julio.’’

“E ano ang ginawa ni Julio sa dalawang taksil?’’

“Hindi pa alam ni Julio, Tatay.’’

“Bakit?’’

“Nasa ibang bansa siya.’’

“Ang saklap nang nangyari. Darating siya na wala na ang misis niya at su­mama na sa ibang lalaki. Pero ang nakakasuklam, buntis ang misis niya.”

“Hindi ko rin maimadyin kung ano ang mangyayari pagdumating si Julio at na­­laman na iniwan siya ng asawa at sumama sa ibang lalaki. Baka mapatay niya ang dalawa sa sobrang galit.’’

“Sana naman ay hindi. Hindi sana mangibabaw sa kanya ang galit. Isipin niya ang kanyang anak,” sabi nito at nanginig ang boses.

“Puwede namang tiisin ang lahat kahit pinakamasakit pa,’’ dagdag pa nito.

Napatitig si Brent sa kanyang ama,

Alam niya kung bakit nakapagsalita nang ganun ang kanyang ama.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with